Saturday, June 20, 2020

Vray For Sketchup Tutorial: How To Render In Sketchup Using Vray

 
Ang Vray for Sketchup ay isang plugin lang.  
At madali lang matutunan ang plugin na ito.  
Panoorin ang video.  

Hindi nga pala ako basta biglang natutong mag-vray.  Hindi kasi kaya ng computer ko. Kinailangan ko munang mag-upgrade ng system.  Magaan lang sana ang vray pero sobrang baba ng mga specs ko.  

Kasi naman akala ko autocad at sketchup lang pwede na.  Naku po! Maiiwan ka sa pansitan pag di ka nag upgrade ng iyong mga skills.  

Gandang ganda ako sa mga malulupit na rendering.  Yun bang render ng mga visualizers!

Dalawang taon pa ang lumipas nang mag-decide ako na aralin na itong vray.

Mga Sir at Lodis, patuloy lang kayong manood ng mga videos na ina-upload ko sa Vray Sketchup Series.  At kung may gusto pa akong sabihin.  Dito ko sya sasabihin sa Blog na to.  Mahilig din tayong mag-sulat.  Parang therapy kasi ito. Nakakalma. 

Ang Youtube account ay naha-hack.  Walang duda.  Dami na tayong nakita na na-hack YT Channel nila matapos magkaroon ng libo-libong subscribers.  Ganun lang.  Matapos palaguin ang channel bigla lang mawawala.  

Pag may sariling website hindi yata pwede mangyari yun.  Ewan ko lang.  Sana safe mga videos ko dito.

Maraming salamat sa mga nag-subscribe dahil sa video na ito. 

Kung may gusto kayong parating...  comment lang ...itutuloy

Wednesday, January 23, 2019

PARA WALANG HASSLE, KUMUHA NG BUILDING PERMIT

DECEMBER 2018, nagpa-extend ng bahay si Ma'am Cristy sa isang subdivivion dito sa Bacoor, Cavite.

  Sinimulan ang construction sa tulong ni Manong Foreman.  Wala silang permit.  

Hindi naisip ni Ma'am na yun ay magiging problema.  Dahil sa isip nya extension lang naman.  Magpapa-second floor lang naman siya.

Lumipas ang isang linggo...

Sinita sila ng mabait nilang kapitbahay. 

Maingay at makalat daw sila magtrabaho.  Hindi makatulog sa hapon ang kanyang aso.  At may mga ga-kutsarang buhangin na napupunta sa harap ng bahay nya.

At sinita na rin sila ni Gingging.  Si Gingging.  Ang secretary ng homeowners association ng subdivision nila.  

Asan ang permit nyo Ma'am Cristy?  Tanong ni secretary.  

Na-stressed si Ma'am. 

Mag-aaply na sya. Ok. Wait lang.

Hindi na sya naghintay na masita pa ng Munisipyo.  Sigurado sya mas nakaka-stress yun. 


Bahay ni Ma'am

AT TINULUNGAN NAMIN SI MA'AM CRISTY na magkaroon ng permit.  

Extension Permit.  

Pano kami naka kuha ng permit?

Madali lang naman yan.

Just leave it all to us!

Have a nice day!